ang bansa ay ang iyong tahanan. Hindi ito inuuwian lamang, kinikilala pati ang pamilyang nakatira dito

Home » Post Item » Ang Programa ng Pakikiisang Bigkis

Ang Programa ng Pakikiisang Bigkis

January 23, 2007

PAKIKIISANG BIGKIS PROGRAM

Background 

Mayo 2007- Ngayong eleksyon, makakarinig na naman tayo ng mga pangako sa mga kakandidato. Kukuha sila ng mga dalubhasa sa politika at ekonomiya upang gawan sila ng pinakaengrandeng plataporma at programa san a ipepresenta sa mga Pilipino. 

May isang kopya mula sa isang tatakbong senador- 10 puntos na gabay sa eleksyon. Binigay niya ang 10 erya na kailangang pagtuonang pansin- kalusugan, pasahod, at iba pa. Ngunit ano nga ba ang problema sa mga ito? Sa huli, ito ay mga pangakong inabstraksyo na lumayo na sa mga talagang karanasan ng mga Pilipino.

Hindi nga ba na mahilig ang mga politiko at pati mga elitista na gumawa ng kanilang sariling lista na kinakailangan umano ng mga mamamayan, ng mahihirap. Hindi nga ba’t ipinapakita nila ito sa mga mahihirap at sabay sabi na, “Ito ang mga kailangan niyo, DI BA?” 

Ngunit kinunsolta man lamang ba sila? Halimbawa sa nasabing kopya ng plataporma ng tatakbong senador, tutugunan daw niya umano ang kalusugan sa pamamagitan ng pag-ayos ng Philhealth. Ngunit, malapit ba ang Philhealth sa pang-araw araw na buhay ng mga mahihirap? Hindi nga ba na ang kanilang pinupuntahan ay mga pampublikong ospital o mga libreng gamot sa baranggay. Kung gayon, kung may dapat na ayusin na talagang tatalab sa isang partikular na komunidad, ito ay ang ayusin na maaayos ang pasilidad at serbisyo dito sa mga pampublikong ospital o mga botiko ng gobyerno.

Ano ang ipinapahiwatig dito? Na kailangan na isakonteksto ang mga malalawak na programa sa pamahalaan na mahitrap sukatin kaya sa huli hindi rin natutupad. Halimbawam sa komunidad ng Park 7, hindi Kalusugan ang problema, kundi iyong ilog na marumi at masangsang na kapag malakas ang buhos ng baha ay bubuhos na ang tubig at basura sa pampang. Kailangan na ang mga tugon ng politiko ay mga tunay, kongjkkreto at damang pangangailangan ng komunidad. 

Paano ito maisasakatuparan? Hilutin ang mga ideya mula sa mga mismong naninirahan sa pamayanan na iyon. Ang anumang programa ay dapat nagmula at hindi idinikta sa mga mahihirap.

Ang Programa

 I. Pagpupulong

Ang AtSCA ay may apat na kaakibat na pamayanan- K1B4, K1B6, Marytown, at Park 7. Bilang tugon sa hamon na isinalang sa itaas, dalawang programa na magkaugnay ang ilulunsad ng AtSCA- covenant signing bago ang eleksyon, at community organization.

Ilang buwan bago ang eleksyon, makikitipon ang AtSCA sa mga opisyales at youth organization ng mga 4 na pamayanan. Kung wala pa, ang AtSCA ang magsisimulang bumuo kahit ng di-pormal na samahan ng mga mamamayan sa nasabing pamayanan. Sa pulong na iyon, tatalakayin ang buong programa ng Pakikiisang Bigkis- isang pagtutulungan ng AtSCA at ng pamayanan upang magkaroon ng inisyatibo tungo sa pagbabago. Sa pulong ding ito, magbubukasan ang mga mamamayan ukol sa kanilang mga problema sa pamayanan tulad ng patubig, adik, at krimen. Sa katapusan ng pulong, aayusin ng AtSCA ang mga napag-usapan sa isang dokumento na tatawaging covenant- isang produkto na hinilot mula sa karanasan mula mismo sa mahihirap. 

Magaganap itong paggawa ng mga covenant sa mga taong may eleksyon. Ito ay upang baguhin o dagdagan ang mga lumang isinusulong na programa na hindi na praktikal sa pamayanan sa kasalukuyang taon.

II. Covenant Signing 

Matapos makagawa ng covenant, papipirmahin sa mga kakandidato sa baranggay ngayong Mayo.

Dalawa ang bentahe dito. Una, kung sakaling tatanggi ang mga kandidato na pumirma sa nasabing covenant, isa na itong senyales sa mga mamamayan sa komunidad na iyon para hindi siya iboto. 

At kung pipirma at sakaling manalo siya, pagkakataon na ito upang maisulong ang mga programang nakapaloob sa covenant.

III. AtSCA Tanod

Ito ang pinakakritikal at pinakamahirap na bahagi ng proseso. Hinihingi nito ang kaunting oras at tiyaga ng mga miyembro ng AtSCA. Vigilance is a never ending attitude. Ito ang dahilan kung bakit kailangang iinstitusyonalisa ang programang ito sa kabuoang pormasyon ng AtSCA sa ilalim ng social awareness. 

Dalawa ang dapat na maging hangarin lamang ng programang ito. Una, ito ay magsisilbing pressure o batok sa mga nasa katungkulan. Isa itong pagpapaalala na palaging may nagbabantay sa kanila, hindi lang mga mula sa pamayanan nila kundi mula rin sa labas. Pangalawa, isa itong pagkakataon upang i-organisa ang mga mamamayan- community organization. Nakita na sa kasaysayan kung papaanong ang pagkakaisa ay nagiging makapangyarihan laban sa pang-aabuso ng gobyerno at mga mapang-aping elitista. Ang community organization ang tunay na empowerment of the poor, ang tunay na people power.

Mag-ingat kung gayon na maligaw ang grupo at tuonan ang pagiging result-oriented. Gayong mahalaga rin ito, kailangan ring kilalanin ng AtSCA na sila ay maliit na grupo lamang na binubuo ng mga estudyanteng kabataan. Sa oras na mabulag dito, hindi maiiwasan ang pagkabigo at tuluyang pagkasira ng halaga ng misyon ito- ang ipagkaisa ang mga mahihirap upang sa kanila mismong inisyatibo ay magsilibi silang pressure o diin sa lokal na gbyerno nila sa baranggay. 

Narito ang detalye ng pagtatanod.

Dalawa ang porma ng pagbababad ng AtSCA sa erya. Una ay ang may istruktura at ang pangalawa ay ang walang istruktura. Ngayon sa una, nagtuturo ang mga AtSCAns sa mga bata. Yung pangalawa ay simpleng pagbisita at pakikipagkwentuhan sa mga pamilya sa erya. 

Ngayon kung bibilangin, mahigit kumulang 8 beses ang pagbisita sa isang buwan. Ngayon, sa isang pagbabad o pagerya, kailangan lang daanan ng AtSCA ang baranggay hall upang i-follow up ang mga napagkasunduang covenant nito. Sa araw din na ito, makikipagpulong ang AtSCAn sa mga kasamahan sa erya na kasali sa pagbalangkas ng covenant. Kailangan din na may kasamang kinatawan mula sa erya. Nasa pagpapasya na ng AtSCA na humingi ng tulong sa mga pormal na institusyon tulad ng sa Ateneo.

Sa kabuoan, ganito ang magiging daloy ng programa. Talagang kinakailangan ang patuloy na diyalogo sa pagitan ng AtSCA, komunidad, at ng mga opsiyales ng baranggay. 

Ilang Karagdagang Punto

Hindi nagtatapos sa pakikipagpulong ang tunay na empowerment of the poor. Kung kaya, bilang bahagi ng programang ito ay ang paghikayat sa mga taga-komunidad na direktang makisangkot sa kilos-pagbabago. 

Iimbitahin kung gayon, ang mga taga-komunidad na makisangkot tuwing may gaganaping rally, prayer rally, prayer vigil sa Ateneo. Isa pa, iimbitahin rin sila na sumama sa mga talakayan at panayam na mas magpapalawak sa kanilang kaalaman lalo na kung patungkol mismo sa kanilang karapatang pantao.

Malinaw ang dahilan sa likod ng mga pagtatangkang kasasabi pa lamang. Kanina maaalala na malayo ang karanasan ng mga Atenista sa mga tunay na paghihirap ng mga maralitang tagalungsod. Kung kaya, maling estratehiya na patuloy silang piliting dumalo sa mga talakayan at rally. Ang mababang bilang ng mga dumadalo ang malinaw na patunay nito. Hindi impormasyon ang kailangan nila, dahil marami na silang lugar para dito. Ang kailangan nila ay karanasan kasama ang mahihirap. At ito na rin ang dahilan sa programang imbitahin ang mga mahihirap na makidalo kasama ang mga Atenista sa pakikipagbaka. Ito ang tunay na solidarity with the poor.

Ngayon, hindi lang mabibiyayaan ng programang ito ang kamalayang panlipunan ng mga Atenista kundi lalong lalo na ng mga mahihirap. Hindi nga ba’t sila naman talaga dapat ang may inisyatibo upang pumunta sa mga rally at talakayan dahil ang mismong karapatan at kabutihan na rin ang pakay ng mga gawaing ito. Panahon na upang ang mga taong sinasabi nating siyang ipinaglalaban natin sa mga rally ay bigyan natin sa wakas ng boses at kapit-bisig na labanan ang mga mapang-aping sistema sa lipunan.

Posted by vladimirfrancobedural at 11:52 pm | permalink

Previous Comments

Diang!!! Idol na kita! Saan mo nalalaman ang mga toh?!? ang galing mo pa magsulat in tagalog!!! and infairness natapos ko cya, yay!!!! ang inspiring nga niya eh, and if you ever need help in this project, i’m just a text away :)

Posted by jennylyn at January 27, 2007, 12:54 pm

quotes K. Di-ang (what struck me): “Ito ang mga kailangan niyo, DI BA?” Ngunit kinunsolta man lamang ba sila?

Ang kailangan nila ay karanasan kasama ang mahihirap. Ito ang tunay na solidarity with the poor.

Panahon na upang ang mga taong sinasabi nating siyang ipinaglalaban natin sa mga rally ay bigyan natin sa wakas ng boses at kapit-bisig na labanan ang mga mapang-aping sistema sa lipunan.

KUYA DI-ANG MAGALING! seryoso, ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito… kaya pala nung minsan nagkasalubong tayo papunta kang erya ako paalis bandang Pentecost Church (noong hapon ng Linggo after Area Overnight), sabi mo pupunta ka sa Youth/SK/kabataang baranggay thingy… at ito pala yun… sorry, kung hindi lang ako pagod nun galing MedMission nung umaga sinamahan kita… at ngayon, ngayon ko lang lubusang napagtagpi-tagpi ang mga detalye brilyante mong plano… nang pinuntahan mo ko sa room at binasa ko ‘to… Andito ako sa suporta…

Posted by kp at February 13, 2007, 12:15 am

Add a comment